First batch ng Pinoy evacuees mula sa Sudan dumating na sa Maynila

0
248

Maynila. Dumating na sa Pilipinas ang 17 Pinoy na inilikas mula sa Sudan, nitong Sabado, Abril 29. Sa liham, sinabi ng Department of Foreign Affairs na ang unang batch ng evacuees ay lumipad pabalik ng bansa mula sa Athens, Greece at Jeddah, Saudi Arabia.

Dumating ang grupo pasado alas-6:30 ng gabi  sa Terminal 3 sa Pasay City sa pamamagitan ng Qatar Airways Flight No. QR 204.

Kabilang sa mga evacuees mula sa Sudan ang walong hotel workers.

Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kinilala silang sina Myra Castro, Sherly Arciga, Arnel Nacion, Johnny Mariano, Humphrey Manipis, Jomel Mallari, Marben Prila at Vilma Loba.

Sa pagtatasa, ang DSWD, sa pamamagitan ng National Capital Region Field Office at mga social worker nito, binigyan ng psychosocial intervention ang mga repatriated Filipinos bilang paunang tulong.

Ang walo ay tumakas mula sa Khartoum, Sudan at dumating sa Greece sakay ng isang Greek military aircraft.

Noong Biyernes, lumipad palabas ng Athens, Greece at Jeddah, Saudi Arabia ang 17 repatriates, kasama ang walong hotel workers, matapos ang mga representasyon sa gobyerno ng Greece sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Athens.

Tinanggap ng embahada ang grupo sa Athens noong umaga ng Biyernes at inayos ang kanilang paglipad pabalik ng Pilipinas sa pamamagitan ng DFA Assistance-to-Nationals Fund.

Ang iba pang siyam, kabilang ang isang sanggol, ay lumikas sa kabisera ng Khartoum sa pamamagitan ng Port Sudan kung saan sila ay sumakay sa isang C130 na eroplano ng Saudi Royal Air Force patungo sa Jeddah.

Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang nagbigay ng repatriation ticket para sa walong manggagawa habang inayos naman ng konsulado ang paglipad ng isa pang estudyanteng evacuee.

Nag-isyu ang Philippine Consulate General sa Jeddah ng travel documents sa mga walang orihinal na pasaporte.

“The Philippine government is working round-the-clock to assist our kababayans who have left Sudan,” ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo saidsa isang statement noong Sabado.

Sinabi ng DFA na nagtalaga na rin ng mga tauhan mula sa Department of Migrant Workers, OWWA at Department of National Defense upang palakasin ang mga pagsisikap sa paglikas.

Pinasalamatan ni Manalo ang mga dayuhang pamahalaan na nagpaabot ng tulong sa mga Pilipinong tumakas sa giyera.

Sa oras ng isinusulat ang balitang ito, 610 Filipino ang lumikas sa Khartoum, kung saan 391 ang tumatawid sa Egyptian side ng border sakay ng mga bus na charter ng Philippine Embassy sa Cairo at ng Philippine Honorary Consulate sa Sudan.

Kasalukuyang inaayos ng Embahada ang kanilang pansamantalang visa at repatriation flights sa Pilipinas, habang ang DMW at OWWA ay naghahanda para sa shelter at iba pang welfare assistance sa panahon ng transit.

“The Embassy and our DMW teams will make sure they will all be treated well onboard buses and in Cairo,” ayon kay DMW Secretary Susan Ople.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.