2 lider ng NPA nahuli sa Oriental Mindoro

0
450

Mansalay, Oriental Mindoro. Nahuli ng mga militar ang dalawang lider ng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa isang liblib na lugar sa bayang ito sa Oriental Mindoro, ayon sa report ng Philippine Army (PA) noong Sabado.

Kinilala ni Lt. Col. Hector Estolas, spokesman ng 2nd Infantry Division (ID) ng PA ang mga nahuling lider ng NPA sa mga alyas na “Ka Aryo”, second deputy secretary ng Kilusang Larangan Guerillla ng Southern Tagalog Regional Party Committee Sub-Regional Military Area 4D at “Ka Louise”, supply officer ng KLG MAV Platun Serna at dating Liaison ng Southern Tagalog Regional Party Committee’s Regional Staff ng NPA.

Ayon kay Estolas, sina Ka Aryo at Ka Louise ay nasakote kamakailan sa combat operation sa liblib na barangay sa nabanggit na bayan bunga ng pinaigting na opensiba ng militar.

Nakumpiska sa da­lawa ang isang UZI sub-machine gun, isang M1 Carbine rifle, mga bala, isang improvised hand grenade, 2 blasting caps, 8 mobile phones, isang mobile tablet, 2 power banks, 6 cell phone chargers, pocket wifi, 2 memory cards, 7 USB flash drives, 4 sim cards, medical supplies, mga subersibong dokumento at mga personal na kagamitan.

Ayon kay Estolas, matapos masakote ay isinailalim sa medical examination at ginamot ang dalawang opisyal ng NPA at kasalukuyan silang nasa pangangalaga ng Army’s 4th Infantry Battalion habang sumasailalim sa tactical interrogation.

Ayon sa record, ang grupo nina Ka Aryo at Ka Louise ay pinaniniwalaang sangkot sa pagpatay sa isang sundalo ng 4th IB nitong Abril 25 at dinukot din noong Pebrero 10 ang dalawang CAFGU sa Mindoro noong Abril 25 at walang awang pinatay ng mga NPA.

 ang isang sundalo na nakatalaga sa 4th IB habang dinukot naman noong Enero 26 at Pebrero 

Isa pang CAFGU ang diumano ay pinatay ng mga NPA sa kanyang bahay nito lamang Abril 3.

Ayon kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division commander Maj Gen. Roberto Capulong, kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa mga kaagapay sa lokal na pamahalaan, mga sangay ng gobyerno at pangunahing mga stakeholders sa pagpapatupad ng batas.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.