Presyo ng LPG tataas

0
173

Idineklara ng Petron Corp. na tataas ang presyo ng liquefied petroleum gas o LPG ng P0.85 kada kilo samantalang ang AutoLPG ay magmamahal ng P0.48 bawat litro ngayong Mayo matapos ang rollback na ipinatupad ng mga kompanya ng langis ngayong buwan.

Ayon sa advisory, ito ay bunsod ng presyo ng kontrata sa pandaigdigang presyo ng LPG para sa buwan ng Mayo.

Ang bagong presyo ay iiral sa ganap a 6 a.m. ngayong araw ng Martes, May 1, 2023.

Wala pang anunsyo ang ibang kumpanya hinggil sa pagtaas ng presyo ng LPG ngayong buwan ng Mayo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.