Negosyante at live-in partner binaril sa harap ng MTC sa Batangas

0
838

Nasugbu, Batangas. Patay agad ang isang kilalang businesswoman at kalive- in nito ng pagbabarilin sila ng nag iisang gunman sa harap ng Nasugbu Municipal Trial Court sa Batangas bandang alas diyes kamakalawa.

Ayon sa report na ipinadala sa tanggapan ni Police Brig. General Carlito Gaces, direktor ng Police Regional Office Calabarzon, kinilala ang mga biktima na sina, Rosola Vivas, at ang kalive- in nito na si Clement Jali Jali, mga residente ng Paseo de Murcia, Terrazas de Punta Fuego, Brgy. Natipuan, Nasugbu, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kalalabas lamang ng mga biktima mula sa Municipal Trial Court kung saan dumalo sila sa isang hearing at palapit na sa nakaparada nilang sasakyan ng lapitan sila ng suspek at pagbabarilin gamit ang hindi pa alam na kalibre ng baril.

Tinamaan si Vivas sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din samantalang si Jali Jali ay naisugod pa sa ospital subalit dead on arrival ito, ayon sa mga doktor.

Ayon sa mga nakasaksi sa krimen, mabilis na nakatakas ang salarin bago pa nakalabas ang mga pulis na nasa loob ng korte.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspect at kung ano ang motibo sa ginawang pagpatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.