Electrician patay sa kuryente, helper sugatan

0
260

San Antonio, Quezon. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang electrician habang sugatan ang kanyang helper matapos makuryente habang nagkakabit ng solar lamp sa Brgy. Poblacion sa bayang ito, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Rizal Barcelos, 51 anyos. Ginagamot naman sa Dr. Rosales Medical Hospital dahil sa tinamong mga paso sa katawan ang helper na si John Zaibhen Barona, 23 anyos; pawang mga residente ng Brgy. Cotta, Lucena City.

Batay sa imbestigas­yon, bandang alas-10:00 ng umaga ay nakatayo sa gilid ng kalye na katabi ng poste ng kuryente ang boom truck na sinasakyan ng mga biktima na nagi-install ng solar lamp.

Noong itayo ni Barona ang bakal na brace ay tumama ito sa live wire na nagsanhi ng pagdaloy ng malakas na boltahe ng kuryente na pumatay sa kanya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.