Fertilizer scam sa DA ibinuking

0
210

May hinihinalang bagong fertilizer scam sa Department of Agriculture (DA) ang grupo ng magsasakang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Tinutukoy ng grupo ang Memorandum Order No. 32 na inisyu ng DA noong Abril 27 na nagtatakda ng guidelines sa distribusyon at paggamit ng biofertilizer ngayong taon upang diumano ay mapataas ang produksyon ng bigas.

Sa binanggit na memorandum order, sinabi ng DA na ang paggamit ng dalawang bag ng inorganic fertilizer urea per hectare ay nagkakahalaga ng P4,000 habang ang selected biofertilizer “can substitute for at least two bags of urea without sacrificing the yield. Theoretically, a savings of more than P2,000 per hectare can be realized if the cost of biofertilizer is less than P2,000 per hectare,” ayon sa DA.

“If the biofertilizer chosen by the DA-RFOs (regional field offices) is less expensive, the fertilizer savings is increased,” ayon pa rin sa MO.

Ngunit ayon kay SINAG chairperson Rosendo So, mali ang basehan ng MO 32 dahil ang presyo ng urea ngayon ay P1,100 na lamang bawat bag. Sa dalawang bag kada ektarya, ang halaga ng urea ay P2,200 kada ektarya na lamang, taliwas sa MO 32 na P4,000 bawat ektarya.

“DA’s official bidding price of urea is in fact, only at Php1230 per bag; at two bags per hectare, it is only Php2460, again, way below the false information of P4,000 per hectare Thus, there is no real savings, as claimed by MO 32. We are worried that another scandal that could approximate the fertilizer scam of the previous years may resurface,” dagdag ni So.

Sumulat na ang SINAG kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya ring concurrent  DA secretary. Sumulat na rin sila kay Senadora Cynthia Villar, chair ng Senate committee on agriculture and foods upang bawiin ang tinutukoy na MO 32.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.