Malaking oil price rollback, ilalarga bukas

0
295

Makakaranas ang mga motorista ng mas mababang presyo ng produktong petrolyo, isang malaking rollback sa ikatlong magkakasunod na linggo ng pagbaba ng presyo.

Ayon sa magkahiwalay na advisory ng mga oil company kahapon, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na bababa ang presyo kada litro ng gasolina ng P2.20, diesel ng P2.70, at kerosene ng P2.55.

Ilalarga ng Petro Gazz ang ganito ring adjustment, maliban sa kerosene.

Epektibo ang bawas-presyo sa Martes, alas-6 ng umaga.

Hindi pa naglalabas ng abiso ang ibang kompanya hinggil sa price cut down.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo