P3.8-M shabu na nakatago sa mga hair dryer, mga brush na nasabat sa NAIA

0
212

PASAY CITY. Nasabat ng mga customs officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 560 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PHP3.8 milyon na nakatago sa isang kahon na naglalaman ng mga hair brush at hair dryer.

Ayon sa pahayag kahapon ng Bureau of Customs (BOC) na ang shipper at consignee ay sumasailalim na ngayon sa imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa pagsisimula ng kaukulang inquest proceedings hinggil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at ang Customs Modernization Act (CMTA).

Ang kontrabando na idineklara bilang eyelash sets, electric hair dryers, at electric hairbrush ay naharang noong Lunes sa DHL Express Gateway Warehouse sa NAIA.

Pinasalamatan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang mahalagng tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagkakasamsam sa iligal na droga.

“This successful interception is a testament to the effective joint enforcement of our Customs and inter-agency partners against drug trafficking to prevent the worldwide spread of illegal narcotics, especially in the Asia Pacific Region. We will continue to be vigilant in our border protection efforts to prevent dangerous drugs and other contraband that come in and out of our country,” ayon saBOC chief.

Ang operasyon ay naisagawa sa koordinasyon ng PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.