Electric bill tataas ngayong Mayo

0
314

Tataas ang singil sa kuryente ngayong buwan dahil sa inaasahang pagmahal ng power prices mula sa wholesale electricity spot market at iba pang suppliers.

Ayon kay Manila Electric Co. (Meralco) spokesperson Joe Zaldarriaga, may bagong gastusin na ipapatong sa power rates na maaaring mag-reflect sa billing ngayong Mayo.

Ipinaliwanag ni Zaldarriaga na ito ay dahil sa natitirang tranche na P0.20 kada kilowatt-hour (kWh) mula sa March increase sa generation charge na hinati para sa buwan ng Abril at Mayo, bukod pa ang P0.04/kwh na increase sa universal charge simula ngayong buwan.

Bukod dito, may posibilidad ding tumaas ang presyo ng kuryente mula sa spot market dahil sa pagtaas ng demand at mga unscheduled shutdowns.

Ayon kay Zaldarriaga, ipapalabas nila ngayong Huwebes ang anunsyo ng final adjustment sa presyo ng kuryente.

Samantala, tiniyak din naman niya na maghahanap ang Meralco ng mga solusyon para mabawasan ang posibleng pagtaas ng singil sa kuryente.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.