Trahedya sa Lipa: Estudyante, patay sa banggaan ng motorsiklo

0
580

Lipa City, Batangas. Isang estudyante ang namatay matapos maaksidente ang kanyang motorsiklo na bumangga sa isa pang motorsiklo habang pareho silang naglalakbay sa iisang linya ng kalsada, kagabi ng madaling araw, sa Brgy. Tambo sa lungsod na ito.

Batay sa ulat ng Lipa City Police Station, kinilala ang biktima na si Jonathan Bautista na residente ng Brgy. Nangkaan, Mataas na Kahoy, Batangas. Samantala, sugatan naman si Joshua Alex Lumbera, 24 anyos na call center agent at residente ng Brgy. San Carlos.

Bandang alas-12:05 ng madaling-araw, habang naglalakbay ang dalawang motorsiklo sa J.P Laurel Highway patungo sa city proper noong nangyari ang insidente. Si Bautista ay nagmamaneho ng isang NMax na motorsiklo habang si Lumbera ay sakay ng isang Mio. Sa isang kurbada ng kalsada, pareho silang nawalan sila ng kontrol at nagbanggaan.

Namatay si Bautista dahil sa malalang sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. Dinala agad siya Lipa City District Hospital ngunit idineklara dead on arrival. Samantala, si Lumbera ay nagtamo ng mga minor na sugat at kasalukuyang ginagamot.

Ayon sa mga ulat ng pulisya, maaaring magkaroon ng amicable settlement sa pagitan ng dalawang partido sa aksidenteng ito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.