‘Pinakamahabang habhaban’ ng Quezon, sasabak sa Guinness

0
248

Lucban, Quezon.  Ilalaban sa Guinness Book of World Records ang “pinakamahabang habhaban ng pansit Lucban” na bantog sa bayang ito.

Ito ang layunin ng lokal na pamahalaan ng Lucban, Quezon matapos na isagawa ang pampublikong kainan ng sikat na pansit habhab ng Lucban bilang hudyat ng simula ng kanilang pinakahihintay na “Pahiyas Festival 2023” kahapon, ika-15 ng Mayo.

Mahigit 3 kilometro ang haba ng pila ng mga residenteng sumali sa kainan ng pansit habhab sa tabi ng kalsada mula sa Kamay ni Jesus sa Tayabas Road hanggang sa munisipyo ng Lucban.

Kasabay nito, isinagawa rin ang Santacruzan kung saan ipinakita ang mga katutubong materyales na sinuot ng mga sagala.

Dinadayo ng mga turista sa Lukban dahil sa iba’t ibang dekorasyon sa mga bahay na gawa sa kiping, isang tradisyunal na wafer na hugis dahon na gawa sa malagkit na bigas.

Author profile
Paraluman P. Funtanilla
Contributing Editor

Paraluman P. Funtanilla is Tutubi News Magazine's Marketing Specialist and is a Contributing Editor.  She finished her degree in Communication Arts in De La Salle Lipa. She has worked as a Digital Marketer for start-up businesses and small business spaces for the past two years. She has earned certificates from Coursera on Brand Management: Aligning Business Brand and Behavior and Viral Marketing and How to Craft Contagious Content. She also worked with Asia Express Romania TV Show.