Binalasa ang 12 chiefs of police sa CALABARZON

0
287

CALAMBA CITY, Laguna. Labin­dalawang hepe ng pulisya sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ang binalasa sa kanilang mga pwesto.

Ayon sa ulat, pitong hepe ng pulisya sa Batangas, tatlo sa Laguna, at dalawa sa Quezon ang apektado, samantalang hindi naman naapektuhan ang mga hepe ng pulisya sa Cavite at Rizal.

Napag alaman na si Lt. Col. Ariel Azurin, hepe ng pulisya sa Lipa City ay pinalitan ni Lt. Col. Rix Villareal. Si Azurin ay itinalaga bilang commander ng 1st Provincial Mobile Force Company.

Si Lt. Col. Dwight Fonte Jr. naman ay pinalitan ni Lt. Col. Diana Del Rosario bilang hepe ng pulisya sa Batangas City.

Sa ibang mga bayan, sina Major Janver Cabata ang napili bilang chief of police sa Ibaan, Major Ronnie Aurellano sa Rosario, Major Danilo Manalo Jr. sa San Luis, Major Fernando Fernando sa Taal, at Major Richard De Guzman sa Tingloy.

Sa Laguna, sina Major Ajalino Balaoro, hepe ng pulisya sa Liliw, Major Melencio Arcita Jr. sa Magdalena, at Major Jordan Aguilar sa Victoria ay pinalitan nina Captain John Patrick Delos Santos, Captain Errol Frejas, at Captain Myra Desiree Pasta, ayon sa pagkakasunod.

Sa lalawigan ng Quezon, sina Maj. Joseph Ian Java ng Malunay police chief, at Maj. Marlon Comia sa Macalelon ay pinalitan nina Maj. Marlon Comia at Cpt. Harold Panganiban.

Sinabi ni Brig. Gen. Carlito Gaces, ang direktor ng pulisya ng Police Regional Office-Calabarzon, na ang pag-alis sa mga nabanggit na opisyal ay dulot ng labis na pagtatagal sa pwesto, advance career enhancement, at upang magbigay ng pagkakataon sa ibang opisyal na maipakita ang kanilang kakayahan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.