Super Bagyong Mawar, lumalakas, posibleng pumasok sa PAR ngayong araw ng Biyernes

0
261

Lumalakas ang Super Bagyong Mawar sa Philippine Sea habang lumalapit ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR), na nagdudulot ng malakas hanggang typhoon-force winds na umaabot ng 550 km mula sa sentro nito.

Sa weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration kanina, sinabi na ang mata ng Mawar, huling namataan noong alas 3 ng umaga, ay nasa 1,740 km silangan ng timog-silangang Luzon, labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

May maximum na sukdulang hangin na umaabot sa 215 kph malapit sa sentro at mga pagbugso na umaabot sa 265 kph, na kumikilos pa-Kanluran ng 20 kph.

Inaasahan na papasok na sa PAR ang Mawar, at ito ay mabibigyan ng lokal na pangalan na Betty, ngayong gabi o bukas, Sabado, ayon sa weather bureau.

Bagaman maaaring humina ng kaunti ang Mawar sa Sabado, inaasahan pa rin na mananatiling isang Super Bagyo ito hanggang sa Lunes ng umaga. Posibleng na mararating nito ang pinakamalakas nitong lakas sa loob ng 24 hanggang 36 na oras.

Ang tropical cyclone ay maaaring magdulot ng malalakas na pag-ulan, na maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa dulot ng ulan, sa Northern Luzon simula sa huling bahagi ng Linggo o sa Lunes.

Inaasahan na mararanasan ang malakas hanggang typhoon-force winds na kondisyon sa dulong Northern Luzon, habang posible namang magkaroon ng malakas hanggang hangin na typhoon-force winds sa mga hilagang at silangang bahagi ng Northern Luzon mainland, ayon sa PAGASA.

Sinabi ng ahensya na ang southwesterly wind flow at mga lokal na pag kidlat at pagkulog ay patuloy na magdudulot ng ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Samantala, ang residente ng Guam ay dumaranas ng pinsala at mga problemang may kinalaman sa suplay ng tubig, at malawakang pagkawala ng kuryente matapos hagupitin ng Bagyong Mawar.

Ang typhoon signal sa isla ay inalis ng 5 p.m. noong Huwebes, ngunit patuloy pa rin ang malakas na hangin. Ang mga residente ay kailangang manatili sa kanilang mga tahanan hanggang sa mag-improve ang mga kondisyon, ayon kay Guam Governor Lou Leon Guerrero.

Tumama sa Guam ang direktang hagupit ng bagyo nang dumaan ang mata ng Mawar sa hilagang bahagi ng isla noong Miyerkules ng gabi ayon (local time).

_

WIth reports from CNN

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.