Live-in partner, timbog sa P1-M na shabu

0
243

LUCENA CITY, Quezon. Nakumpiska ang isang sling bag mula sa pag iingat ng isang mag-live-in partner na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-drug operation  Sariaya Police Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni Lt. Col. Rommel Sobredo sa Brgy. Pili, Sariaya, Quezon kamakalawa ng hapon.

Ang bag ay naglalaman ng labing-tatlong plastic sachet ng posibleng shabu na tumitimbang ng 56 gramo at nagkakahalaga ng P1,142,400.00. Natagpuan din sa loob ng bag ang P2,000 na marked money at isang cellphone.

Kinilala ni Quezon Police Provincial Office Director PCol. Ledon Monte ang mga naaresto na sina Rommel Rejano, 31 anyos, at Rose Ann Oabel, 24 anyos, pawang residente ng Purok Sta.Theresa,Barangay Dalahican, Lucena City.

Dahil sa mga ebidensyang ito, nahaharap ang mga suspek sa mga kaso ng paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. 

Patuloy na nag iimbestiga ang mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng droga at iba pang kaugnay na impormasyon sa kaso. Hinihintay pa rin ang resulta ng pagsusuri sa mga nakumpiskang substance upang matiyak ang tunay na kalidad at kahalagahan nito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.