Cycling bilang alternative mode ng transpo, isinusulong ng DOH

0
233

Hinamon ni Secretary Ted Herbosa ng Department of Health (DOH) ang lahat ng lokal na opisyal ng mga siyudad sa bansa na isulong ang pagbibisikleta bilang alternatibong moda ng transportasyon, kasabay ng pagdiriwang ng World Bicycle Day ngayong Hunyo.

Sa isang event na “The Pedal for a Sustainable Future – A World Bicycle Day Celebration” sa Taguig City, sinabi ni Herbosa na ang pagbibisikleta ay isang simpleng ngunit epektibong paraan ng ehersisyo at nakakatulong sa pagbabawas ng polusyon sa bansa.

Upang itaguyod ang pagbibisikleta at ang paglalakad bilang mga epektibong paraan ng transportasyon kasabay ng pag iwas sa pagkalat ng mga ‘non-communicable disease’ sa mga pampublikong transportasyon, inilunsad ng DOH ang Active Transport Playbook. Ang programa ay may pondong P1,150,000 na inilaan para sa promosyon nito.

“If Taguig can do this, I challenge every city to encourage and support biking both as an alternative mode of transportation and as a means to reduce pollution in the country,” dagdag pa ni Herbosa.

Ang World Bicycle Day ay ipinagdiriwang tuwing Hunyo, na inilunsad ng United Nations General Assembly noong 2018. Layunin nito na itaguyod ang paggamit ng bisikleta bilang isang solusyon sa kahirapan, pagpapalakas ng edukasyon, lalo na sa larangan ng physical educataion para sa mga kabataan, kalusugan, laban sa mga sakit, social inclusion, at pagpapalaganap ng kultura ng kapayapaan.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng populasyon at trapiko sa mga siyudad, ang pagsuporta sa pagbibisikleta bilang alternatibong transpo ay isang mahalagang hakbang sa pagtataguyod ng malinis at malusog na kapaligiran para sa kinabukasan ng bansa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo