Pekeng travel agent sa Laguna, arestado sa 13 kaso ng rape

0
139

Biñan City, Laguna. Madaling araw ng Martes, nadakip ng mga operatiba ng Biñan City Police Station (CPS) ang isang 32 anyos na lalaki na itinuturong responsable sa panggagahasa sa 13 kababaihan mula sa Cavite at Metro Manila.

Ayon sa ulat na ipinasa ni Police Col. Virgilio Jopia, hepe ng pulisya sa Binan CPS kay Police BGeneral Carlito Gaces, direktor ng Police Regional Office Calabarzon, kinilala ang suspek na si Raymund Paguiragan, isang residente ng Poblacion sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Col. Jopia na ang modus operandi ng suspek ay magpanggap bilang may-ari ng mga travel agency at direktor ng isang kumpanya na naghahanap ng mga modelo para sa mga komersyal na produkto.

Sa oras na mapapaniwala ni Paguiragan ang mga biktima, iniimbitahan umano nito ang mga babae, papakainin sa mamahaling restawran, at yayayain sa isang hotel para sa isang pictorial.

Dito na umano isinasagawa ng suspek ang panggagahasa, kung saan ninanakawan pa niya ang mga biktima at kinunan pa ng video ang kanilang sekswal na aktibidad.

Ayon sa mga pulis, hindi makapag reklamo ang mga biktima ni Paguirigan dahil sinasabihan niya ang mga ito na ipapakalat ang video sa Facebook sakaling magsumbong sila sa pulisya.

Kahapon.

Ngunit noong Miyerkules, nagsumbong sa pulisya ang isang 26-anyos na bagong biktima ni Paguirigan matapos siyang halayin at pinagnakawan ng suspek sa isang motel sa Binan City.

Ayon sa nagsumbong na biktima, nakilala niya si Paguiragan sa pamamagitan ng isang kaibigan na nagsabi sa kanya na nangangailangan ito ng mga modelo.

Nagkita umano sila sa isang restaurant at pinakain pa umano siya ng suspek bago sila pumunta sa isang motel para sa pictorial.

Nang malaman ni Manel na may ibang layunin ang suspek sa kanya, sinubukan umano niyang lumabas ng kwarto, ngunit tinakot ni Paguirigan hanggang sa mawala ang kanyang pagkababae.

Bukod sa panggagahasa, ninakaw pa umano ng suspek ang kaniyang cellphone at perang dalawang libong piso.

Dinala pa umano ni Paguirigan si Manel sa isang lugar sa Calamba City at doon siya ibinaba, kasabay ng pananakot na huwag magsusumbong sa pulisya.

Sa halip na matakot, agad na nagtungo ang biktima sa istasyon ng pulisya at humingi ng tulong.

Agad namang natukoy ang tahanan ng suspek dahil sa calling card na ibinigay nito sa biktima.

Nakakulong na ngayon si Paguirigan sa Binan City Police Station, kung saan nagdagsaan ang iba pang mga nabiktima nito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.