BIR Naglabas ng listahan ng gamot laban sa kanser at iba pang sakit na exempted sa VAT

0
476

Inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pinakahuling listahan ng mga gamot na hindi sakop ng value-added tax (VAT), kabilang dito ang 25 na gamot sa kanser.

Kabilang sa listahan ang mga gamot sa hypertension, kanser, sakit sa isip, tuberculosis, sakit sa bato, diabetes, at mataas na kolesterol.

Ayon sa circular, nadagdagan ng 25 na gamot laban sa kanser ang listahan ng mga VAT-exempt na gamot. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: Amivantamab, Anagrelide (bilang hydrochloride), Atezolizumab, Bendamustine Hydrochloride, Bleomycin (bilang sulfate), Bortezomib, Carfilzomib, Dasatinib, Docetaxel, Docetaxel (bilang Trihydrate), Doxorubicin Hydrochloride, Epirubicin (bilang hydrochloride), Epirubicin Hydrochloride, Etoposide, at Everolimus.

Kasama rin sa listahan ang Ixazomib (bilang citrate), Irinotecan Hydrochloride, Lapatinib (bilang ditosylate monohydrate), Oxaliplatin, Paclitaxel, Pemetrexed (bilang Disodium Hemipentahydrate), Ruxolitinib (bilang Phosphate), Triptorelin (bilang Embonate), at Vinorelbine (bilang tartrate).

Nadagdag din sa listahan ng VAT-exempt na gamot ang mga gamot sa diabetes. Kasama rito ang Dapagliflozin + Metformin Hydrochloride, Dapagliflozin + Metformin Hydrochloride (sa extended-release form), Evogliptin (bilang tartrate), Gliclazide + Metformin Hydrochloride, Insulin Glargine, Metformin hydrochloride + Glibenclamide, Sitagliptin (bilang phosphate monohydrate) + Metformin Hydrochloride, Sitagliptin (bilang phosphate) + Metformin Hydrochloride, at Vildagliptin.

Kabilang rin sa listahan ang mga gamot para sa mataas na kolesterol tulad ng Fenofibrate at Inclisiran (bilang sodium).

Nadagdagan din ang mga VAT-exempt na gamot para sa hypertension, kabilang dito ang Amlodipine (bilang besilate) + Bisoprolol fumarate, Irbesartan + Amlodipine (bilang besilate), Losartan (bilang Potassium), Losartan Potassium + Hydrochlorothiazide + Amlodipine (bilang besilate), Macitentan, at Nebivolol (bilang Hydrochloride).

Kabilang sa mga VAT-exempt na gamot para sa sakit sa bato ang Alpha Ketoanalogues + Essential Amino Acids, Epoetin Alfa (Recombinant Human Erythropoietin), Everolimus, Mycophenolate Mofetil, Peritoneal Dialysis Solution Low Calciyum na may 1.5% o 4.25% Dextrose, Peritoneal Dialysis Solution na may 2.3% Dextrose, Potassium Citrate, Sevelarmer (bilang Carbonate), at Spherical Carbon Adsorbent.

Ang mga gamot naman para sa mga sakit sa isip tulad ng Agomelatine, Aripiprazole, Midazolam (bilang Hydrochloride), at Venlafaxine (bilang hydrochloride) ay wala nang VAT.

Napabilang rin sa listahan ng mga VAT-exempt na gamot ang Bedaquiline (bilang Fumarate), na ginagamit sa paggamot ng tuberculosis.

Samantala, tinanggal sa listahan ang Ixekizumab bilang VAT-exempt na gamot. Dati itong kabilang sa mga gamot sa kanser na exempted sa VAT.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.