Kinilala ang Luisiana Laguna MPS sa natatanging community project

0
270

LUISIANA, Laguna. Ipinagdiwang ang ika-28th Police Community Relations Month Kick-Off and awarding ceremony kasabay ng flag ceremony kahapon sa Laguna Police Provincial Office, Camp BGen. Paciano Rizal, Brgy. Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna.

Pinagkalooban ng Certificate of Commendation ang Luisiana Municipal Police Station (MPS) sa Regional level na tinanggap Chief of Police ni PMAJ Glenn Cuevas bilang pagkilala sa kanilang natatanging pagganap ng mga programa, proyekto, at aktibidad sa larangan ng Police Community Affairs and Development.

Isa sa natatanging programa ng Luisiana MPS ang “Barangay at Pulisya, Magkaagapay” sapagkat dahil dito ay nabuo ang matibay na tiwala ng komunidad sa Laguna Police Provincial Office ((PPO) sa pamumuno ni PCOL Harold Depositar, ang bagong talagang Officer-In-Charge Provincial ng Laguna PPO.

Kaugnay nito, nagpapasalamat ang Luisiana Municipal Police Station, sa pangunguna ni cuevas sa buong-pusong suporta na ibinigay ng komunidad ng Luisiana at kay Mayor Jomapher Alvarez sa kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Luisiana.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.