Binalaan ang publiko vs water, vector-borne diseases na dala ng El Niño

0
527

Posibleng lumaki ang bilang ng mga kaso ng water-borne at vector-borne na sakit sa buong bansa sa panahon ng El Niño, ayon sa isang infectious disease expert.

Sinabi ng pangulo ng Philippine College of Physicians na si Dr. Rontgene Solante sa isang sa Laging Handa public briefing na ang mga tropikal na bansa ay madaling mahawa sa mga water-borne na sakit sa buong taon.

“Pwede pa madagdagan ‘to, tagtuyo, El Niño, nakukuha ‘yan sa contaminated water,” sabi ni Solante.

Kabilang sa mga karaniwang sakit ay ang typhoid fever, na sanhi ng salmonella bacteria; at ang shigellosis na kung saan may kasamang sakit ng tiyan, lagnat, at malabnaw o bloody diarrhea. na sanhi ng shigella bacteria, na karaniwang resulta ng hindi paghuhugas ng kamay.

Samantala, ang pag-inom ng maruming tubig ay maaaring magdulot ng sakit sa tiyan, lagnat, pagtatae, hepatitis A, amoebiasis, at cholera, ayon kay Solante.

Sinabi rin niya na ang hindi tiyak na viral na mga impeksyon dulot ng rotavirus at norovirus ay karaniwan sa mga bata at pareho itong nagdudulot ng pagtatae at pagsusuka.

Bukod sa wastong pag-imbak ng malinis na tubig, paalala niya sa publiko na maghugas ng kamay bago kumain.

Kung bumibili naman ng mga pagkain sa labas, kelangan siguruhin na ‘yung nagluluto at pagluto ay malinis,” dagdag pa ni Solante.

Ang mga sakit na dulot ng mga lamok tulad ng malaria at dengue ay karaniwang naglipana rin sa panahon ng El Niño.

Ang mga lamok ay maaari ring magdulot ng dengue, impeksyon sa zika, at chikungunya.

“Sa mga bansang Asyano, tayo ang ikatlong may pinakamataas na bilang ng mga kaso ngayong taon, at tumataas rin ang bilang ng namamatay,” aniya.

Ang pagtaas ng temperatura sa panahon ng El Niño ay nagbabago sa ekolohiya ng mga lamok, kung saan sila ay lumilipat o naglalakbay, samantalang ang mas mataas na paggalaw ng populasyon ay nagdudulot sa mas maraming tao na mahawa ng mga sakit.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.