Puerto Princesa City. Ikinatawan ni Police Major General Rhodel O. Semornia si PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar sa pulong ang mga opisyal ng gabinete sa Joint National /Regional Task Force for Regional Development and Security CORDS) IV-B na ginanap kahapon sa lungsod na ito.
Ang nabanggit na pulong ay dinaluhan nina President Rodrigo Roa Duterte, Senator Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea, NSA Sec. Hermogenes Esperon at iba pang opisyal ng Malacañang.
Iniharap ni Semornia sa ginanap na pulong ang mga programang strategic direction ng PNP-DO at DPCR na sabay na pinaiiral sa bansa, ang Strong Finish/Happy Ending ng ilegal na droga at ang Decisive Victory upang wakasan ang lokal na communist armed conflict gayon din ang malakas na mobilisasyon ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group at ng Force Multipliers. Kasama din dito ang paglulunsad ng Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan Road to National Recovery,at ange Lingkod Bayan Malasakit Livelihood Training Center.
Kevin Pamatmat
Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.