300 toneladang bangus, tilapia patay sa fishkill sa Batangas

0
292

TALISAY, Batangas. 300 tonelada ng bangus at tilapia ang apektado ng fishkill sa Taal Lake sa bayang ito sa Batangas, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-Calabarzon).

Ayon sa ulat, ang fishkill ay nangyari sa Brgy. Sampaloc sa Talisay, ngunit apektado rin ang katabing Barangay Buco dahil dinala ng agos ang mga namatay na isda sa kanilang lugar.

Sinabi ni Sammy Malvas, Regional Director ng BFAR-Calabarzon, na karaniwan itong nangyayari kapag mainit ang panahon at biglaang umulan. Ito ay nagdudulot ng pagbaba ng dissolved oxygen sa lawa, na nagiging sanhi ng fishkill. Dagdag pa niya, kapag nagkakaroon ng pagbabago sa klima, karaniwan ding nagkakaroon ng ganitong insidente.

Patuloy na ginagawa ng BFAR-Calabarzon ang monitoring at water sampling sa Taal Lake upang malaman ang kalagayan nito na may kinalaman sa fishkill.

Samantala, ipinagbabawal ang pagbebenta at pagkain ng mga isdang namatay upang maiwasan ang anumang posibleng epekto sa kalusugan ng mga mamimili.

Ayon sa BFAR, mananatili silang nakatutok sa pagmamanman sa sitwasyon upang agarang makatugon sa anumang pangangailangan at mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.