Kontratista, itinumba ng riding in tandem killers

0
162

CANDELARIA, Quezon. Agad na namatay ang isang kontratista matapos pagbabarilin ng mga kriminal na motorcycle riding-in-tandem habang nakaupo sa kanyang sasakyan kamakalawa ng umaga sa Brgy. Poblacion sa bayang ito.

Ang biktima na tinukoy na si Cornelio Cuevas, 48, residente ng Sitio Labak, Brgy. Poblacion, ay agad na binawian ng buhay matapos tamaan ng bala ng kalibre 45 sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 9:00 ng umaga, nakaupo ang biktima sa loob ng kanyang sasakyan na naka-park sa tabi ng kalsada nang lapitan siya ng isang hindi pa nakikilalang lalaki at bigla na lamang pinagbabaril ang biktima.

Agad na tumakas ang salarin matapos makumpirma na patay na ang biktima, at mabilis na sumakay sa isang motorsiklo na naghihintay sa malapit na crime scene na minamaneho ng isa pang kasabwat.

Nagpadala na ng mga tauhan ang pulisya sa lugar upang simulan ang imbestigasyon at makuha ang mga posibleng ebidensya at testigo para sa kaso.

Patuloy pa rin ang pagtuklas sa motibo ng krimen at pagkilala sa mga suspek.

Hinimok ng mga awtoridad ang mga residente na magsumite ng anumang impormasyon na makakatulong sa pagresolba ng krimen upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng biktima at maiwasan ang posibleng pang ibang krimen sa komunidad.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.