Pinangangambahang maging isang super bagyo si Egay sa Lunes: SONA posibleng bagyuhin

0
235

Naging isang Tropical Depression na pinangalanang Egay ang low pressure area na binabantayan ng state weather bureau sa silangan ng Timog-Silangang Luzon.

Ang bagyong Egay, na nananatiling malakas hanggang Biyernes ng hapon, ay ang ikalimang tropical cyclone na tumama sa Pilipinas sa taong 2023 at ang pangalawa sa buwan ng Hulyo.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA), maaring maging isang super typhoon ang TD Egay sa Lunes, ika-24 ng Hulyo.

Sa araw ding ito, nakatakda namang magbigay ng kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang super typhoon ay isang malakas na bagyo na may hangin na umaabot sa hindi bababa sa 240 kph at maaaring magdulot ng pinsala sa mga coastal towns at mga gusali.

Sa Biyernes ng hapon, ayon sa PAGASA, ang sentro ng Egay ay huling natunton 835 kilometro silangan ng Timog-Silangang Luzon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo