3 propesor sa LSPU-Tiaong nasagasaan, patay

0
241

TIAONG, Quezon. Tatlong propesor mula sa Southern Luzon State University-Tiaong Campus ang nasawi matapos mabangga ng isang jeepney habang sila ay tumatawid sa Maharlika Highway, Brgy. Lagalag, sa bayang ito kagabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Salvo Ocampo Salvacion, 30 anyos na instructor 1; Rosie Campus Dulay, 62 anyos na Assistant Professor IV; at Cheryl Baracael Bundalian, 27 anyos na instructor 1.

Ayon sa imbestigasyon ng Tiaong Police, alas-7:00 ng gabi nang dumaan ang  jeepney na minamaneho ni Zaldy Patulot Mosquera, 63 anyos sa nabanggit na kalsada ng sagasaan nito ang mga tumatawid na biktima.

Dinala sa Peter Paul Medical Hospital sina Salvacion at Bundalian samantalang si Dulay ay dinala sa Candelaria United Doctors Hospital. Sa kasamaang palad, kinumpirma na namatay si Bundalian bandang alas-8:40 ng gabi, at sumunod naman si Dulay bandang alas-9:15 ng gabi. Kahapon ng umaga, pumanaw na rin Salvacion.

Nagdadalamhati ngayon ang mga kaanak ng biktima at ang buong komunidad ng Southern Luzon State University-Tiaong Campus.

Naglunsad ng panalangin at pakikiramay ang mga kasamahan at mga estudyante upang ipaabot ang kanilang pakikiisa sa mga naulilang pamilya.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang eksaktong sanhi ng trahedyan  habang nakakulong ang driver ng jeep sa Tiaong custodial facility.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.