PRO Calabarzon, nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng lumubog na bangka sa Rizal

0
238

CALAMBA CITY, Laguna. Nagbigay ng tulong at suporta ang Police Regional Office CALABARZON sa mga biktima ng trahedya ng paglubog ng isang passenger boat sa Laguna Lake, Brgy. Kalinawan, Binangonan, Rizal.

Base sa ulat mula sa Binangonan Municipal Police Station, sakay ng bangkang M/B Aya Express passenger boat ang mga biktima nang lumubog ito sa tubig ng Laguna Lake at ikinamatay ng 26 katao ayon sa kasalukuyang tala.

Bilang tugon sa naganap na trahedya, agad na nagpakilos ang Binangonan Municipal Police Station ng kanilang mga tauhan sa pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard at sa Binangonan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at kanilang Rescue Team upang isagawa ang rescue at retrieval operations.

“Our teams have worked in coordination with the Local Government Unit of Binangonan to ensure a swift and effective response to the situation. As of this morning, our personnel are working tirelessly to locate any missing persons and retrieve the bodies of the victims,” ayon kay PBGEN Carlito M. Gaces.

Samantala, mamahagai rin ang PRO CALABARZON ng essential food supplies at non-food items sa mga pamilya ng mga biktima at iba pang mga survivor upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan.

Ipinahayag ni Gaces ang kanyang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilyang naulila ng mga biktima. “We stand in solidarity with the families affected by this tragic incident. Our dedicated officers together with our partner agencies will work tirelessly to provide assistance and aid in any way we can. We will closely collaborate with LGU Binangonan to ensure a coordinated and efficient distribution of assistance to those who need it the most,”  sabi niya.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.