Jail guard at inmate, patay sa barilan, sa loob ng Laguna jail

0
182

STA. CRUZ, Laguna. Patay ang isang jail guard at isang inmate matapos ang agawan ng baril at barilang naganap sa loob ng Laguna provincial jail sa Barangay Poblacion 1, sa bayang ito.

Sa ulat mula kay Col. Harold Depositar, direktor ng Laguna Provincial Police Office, kinilala ang biktimana si Prison Guard 1 Jonathan Sombilla Buenviaje, 50 anyos na residente ng Brgy. Maulawin, Pagsanjan, Laguna. Siya ay binaril ng isang inmate na kinilalang si Romnick Balbaran Estadilla, 32 anyos na residente ng Brgy. Ibabang San Roque, Liliw, Laguna, habang naka-duty sa loob ng bilangguan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakatalikod si Buenviaje ng lumapit siEstadilla at inagaw ang baril nito at saka pinagbabaril ang jail guard.

Nang marinig at makita ng iba pang jail guard ang insidente, mabilis nilang hinabol si Estadilla na tumakbo sa likod ng provincial jail.

Nakipagbarilan si Estadilla sa mga pulis na nag responde na nauwi sa kan yang kamatayan.

Dinala si Buenviaje asa ospital ngunit idineklara na siyang patay pagdating doon. Namatay din si Estadilla habang ginagamot sa nasabing ospital.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.