PH, aangkat ng 2 milyong doses ng swine fever vaccine sa Vietnam sa Oktubre

0
149

Magpapadala ang Vietnam sa Pilipinas ng dalawang milyong dose ng bakuna laban sa African swine fever sa buwan ng Oktubre, isang linggo matapos aprubahan ng bansa ang domestic use ng unang commercial vaccines laban sa sakit na ito, ayon sa pahayag ng gobyerno nitong Miyerkules.

Ang African swine fever ay nagdulot ng abala sa global pork market na nagkakahalaga ng $250 bilyon. Sa pinakamalaubhang pagsiklab nito noong 2018-2019, kalahati ng populasyon ng baboy sa Tsina, na kilalang pinakamalaking producer sa buong mundo, ang namatay, na nagdulot ng halos $100 bilyong halaga ng pagkalugi.

Ang mga bakunang dadalhin sa Pilipinas ay gawa ng kompanyang AVAC Vietnam JSC para sa commercial use, ayon sa pahayag ng gobyerno.

Dagdag dito, inaprubahan na rin ng kompanya ang pagpapadala ng 300,000 dose ng bakuna sa Pilipinas matapos aprubahan ito.

Sinabi ng gobyerno na ang pagpapadala ng bakuna ay “nagsisilbing senyales ng malaking potensyal para sa export.”

Noong nakaraang buwan, inaprubahan ng Vietnam ang domestic commercial use ng dalawang bakuna laban sa African swine fever na NAVET-ASFVAC at AVAC ASF LIVE na ginawa ng mga Vietnamese company at mga mananaliksik mula sa Estados Unidos.

Mahigit na 650,000 dose ng mga bakuna ang kamakailan lamang na sinubukan sa mga baboy sa 40 lalawigan sa bansa, na may epektibong rate ng 95%, ayon pa rin sa pamahalaan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.