Dinaganan ng unan sa mukha: 83 anyos na ina pinatay ng 63 anyos na anak

0
213

CARMONA, Cavite. Patay ang isang 83 anyos na lola matapos takpan at daganan ng unan sa mukha ng sarili niyang anak na isang 63 anyos na sinasabing may sakit sa pag-iisip.

Naganap ang insidente sa kanilang bahay sa Brgy. 3, bayan ng Carmona, sa lalawigan ng Cavite, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Carmona Police, dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Cecilia Clarito Morales, isang balo at naninirahan sa #344 San Jose St., Brgy 3, Carmona City.

Naaresto naman ang suspek na si Enrico Clarito Morales, 63 anyos na anak ng biktima.

Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Joel Mendoza, ang humahawak sa kaso, naganap ang trahedya bandang 12:30 ng madaling-araw sa tahanan ng biktima. Natutulog ang matanda ng ng takpan ng unan sa mukha ng kanyang anak. Hindi kinaya ng lola ang bigat ng pagkakadiin ng unan sa kanyang mukha na naging sanhi ng pagkawala nito ng malay at kanyang kamatayan.

Ayon sa pamilya ng biktima, may sakit na “schizophrenia” ang suspek, batay sa kanyang medical certificate.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.