Pinagbawalan ang mga pulis na mag-selfie kasama ang FIBA stars

0
136

Mahigpit na ipinagbabawal ng Philippine National Police (PNP) sa mga pulis ang pagkuha ng mga litrato o selfie ng mga pulis kasama ang mga manlalaro ng FIBA World Cup 2023.

Ito ay kaugnay ng pagbubukas ng FIBA sa Philippine Arena sa Bulacan ngayong araw.

Ayon kay PCol. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP, layunin ng mga pulis na tutukan ang kanilang gawain sa pagbibigay seguridad sa mga manlalaro at venue.

Sinabi niya na posibleng mawala ang atensyon ng mga pulis sa kanilang trabaho kapag sila ay naging abala sa pagse-selfie.

Maaring hindi mapigilan ng maraming pulis ang kanilang sarili na hindi makipag-selfie sa mga sikat na manlalaro mula sa FIBA Basketball World Cup, ayon sa kanya.

Bagamat nauunawaan ng PNP na maraming pulis ang mga tagahanga ng basketball, kailangan pa rin aniyang unahin ng mga ito ang kanilang tungkulin dahil kapakanan ng bansa ang nakasalalay.

Ipinaabot na ang nabanggit na utos sa kanilang mga field commanders. Dapat lamang tutukan ng mga pulis ang kanilang misyon na tiyakin ang kaligtasan ng mga manlalaro, mga coach, at iba pang miyembro ng delegasyon mula sa kanilang pagdating sa paliparan, kanilang tinutuluyan, hanggang sa mga lansangan kung saan sila ay dadaan, dagdag pa ni Fajardo.

Posibleng sampahan ng parusa sa administrasyon ang mga pulis na mapatutunayang naikipag-selfie, ayon sa utos.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo