18 pulis ng Liliw at Pangil, pinarangalan

0
911

Sta. Cruz, Laguna.  Ginawaran ng Medalya ng Papuri ang labing isang pulis ng Liliw Municipal Police Station na sina Laguna Provincial Police Director PCOL Serafin Fortuno Petalio, PCPT John Patrick Verdeflor, De Los Santos, PEMS Quiruben Besunia Eseo, PEMS Prisco Ganaden Mondiguing, PCpl Rex Matubis Baldon, PCpl Mark Francis Eusebio Sampaga 229369, PCpl Jun Terones Molina, PCpl Resty Endaya Punzalan, Pat Ruland Joel Bonnit Patagui, Pat, Mark Jayson Limboc Estacio, at Pat Ralph Rosalda Monreal.

Pitong pulis naman ng Pangil Police Station ang sinabitan ng Medalya ng Papuri sa katauhan nina PCOL Serafin Fortuno Petalio, PLT Berlin Ignacio Allan, PCpl Peter John, Castro Dela Rosa, Pat Roderick Picardal Madeja, Pat Joshua Alcantara Badillo, Pat Chester Allan Pomentil Dator, at Pat Jericho Siriban Kumia.

Ang mga nabanggit na pulis ay kinilala dahil kanilang matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagdakip ng dalawang most wanted person sa CALABARZON na sangkot sa kasong rape at murder.

Ginanap ang ang seremonya ng pagbibigay ng parangal sa  Camp BGen Paciano Rizal sa Sta. Cruz, Laguna noong Nobyembre 11, 2021 sa pangunguna ni Provincial Director for Administration (DPDA) Police Colonel Rafael P. Torres at ni Deputy Provincial Director for Operations PLTCOL Robert Bautista Sales.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.