555 pumasa sa Librarians Licensure Exam

0
139

Mahigit sa kalahati ng mga kumuha ng September 2023 Librarians Licensure Examination (LLE) ang pumasa, ayon sa ulat ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Setyembre 15. Sa kabuuang 886 na mga nag-apply, 555 ang nakapasa.

Nanguna sa LLE ang may pinakamataas na average na 88.85 percent na si Zamylle Ross Belaro Celso mula sa University of the East (UE)- Manila ang . Sumunod sa kanya sina Ana Lizette Santos Curitana (88.45 percent) mula sa National Teacher’s College at Floralene Fe Caberoy Marquez (88.40 percent) mula sa Notre Dame of Dadiangas University, Inc.

Nasa pang-apat na puwesto naman si John Zechariah Tendencia Basul (88.35) mula sa Philippine Normal University (PNU)- Manila, habang si Lemuel Capulong Solano (88.05 porsiyento) mula sa University of the Philippines-Diliman (UPD) ang nakakuha ng ika-limang pwesto.

Isinagawa ang pagsusulit sa iba’t ibang lugar sa bansa tulad ng Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga. Ang Board for Librarians, sa pangunguna ni tagapangulo Yolanda C. Granda at miyembrong si Lourdes T. David, ang nagpamahala sa pagsusulit.

Ayon sa PRC, ang mga pumasa ay maaaring magparehistro online para sa kanilang Professional Identification Card at Certificate of Registration mula Oktubre 18 hanggang 19. Ang mga tagubilin para sa pagpaparehistro ay maaaring makita sa prc.gov.ph.

Inaasahan na ang petsa at lugar ng panunumpa ng mga librarian inductees ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo