Friday, November 22, 2024


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

HomePH NewsSenate bill na magbibigay ng cash grant sa mga 80-anyos pataas, pasado...

Senate bill na magbibigay ng cash grant sa mga 80-anyos pataas, pasado na

-

Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magbibigay ng cash grant sa mga Filipino na nasa edad na 80-anyos pataas, kabilang na ang mga naninirahan sa ibang bansa. Ipinasa ang Senate Bill No. (SBN) 2028 o “Expanding the Coverage of the Centenarians Act” nitong Lunes.

Sa ilalim ng nasabing batas, ang mga Filipino senior citizens na aabot sa 80 anyos ay makatatanggap ng P10,000 na cash grant. Samantala, ang mga aabot sa 90 anyos ay makakatanggap ng P90,000, habang ang mga magiging 100 anyos naman ay bibigyan ng P100,000.

Ang panukalang ito ay inihain ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, matapos malaman na umaabot lamang sa 79 anyos ang life expectancy ng mga kalalakihan at 83 anyos naman sa mga kababaihan. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pimentel na maraming Filipino ang hindi nararating ang edad na 100 taon, at hindi rin nila nararanasan ang mga benepisyo at pribilehiyo na nararapat para sa mga centenarian, kaya’t layunin ng panukalang ito na magbigay ng tulong sa kanila.

Nakasaad din sa panukala na magkakaroon ng regular na paga-adjust sa halaga ng cash grant batay sa inflation rate, at ito ay itatakda ng National Economic and Development Authority (NEDA) batay sa average annual inflation rate sa nakaraang tatlong taon.

Bilang bahagi ng panukala, ang Philippine Statistics Authority ay inatasang gumawa ng data management system upang ma-record ang mga kaugnay na impormasyon ng mga senior citizens na sakop ng batas. Ito ay gagawin sa koordinasyon ng Department of Interior and Local Government, Department of Information and Communications Technology, at mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Senador Win Gatchalian, isa sa mga co-sponsor ng panukala, layunin ng batas na ito na matulungan ang mga senior citizens na mabuhay ng mas komportable at may sapat na tulong pinansyal. Sinabi ni Gatchalian, “Ang P100,000 cash gift, na ipapamahagi sa tatlong yugto para sa mga octogenarian, nonagenarian, at centenarian, ay makakatulong sa kanilang gastusin sa pang-araw-araw, gamot, pangangalaga sa kalusugan, at iba pang pangangailangan.”

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

Related articles

Stay Connected

0FansLike
0FollowersFollow
3,912FollowersFollow
0SubscribersSubscribe
spot_img

Latest posts