Iba ibang pagbabago sa presyo ng langis ipapatupad ngayong linggo

0
291

Magkakaroon ng magkaibang pagbabago sa presyo ng langis simula ngayong Martes.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Seaoil at Cleanfuel na tataas ng 40 sentimo kada litro ang presyo ng diesel habang magmamahal ng ₱2 kada litro ang presyo ng gasoline.

Gayundin, sinabi ng Petro Gazz, Phoenix, Caltex, at PTT na ipatutupad din nila ang bagong price adjustment.

Sa kabilang banda, sinabi ng Seaoil at Caltex na bababa ng 50 sentimo kada litro ang presyo ng kerosene.

Ang mga pagbabago sa presyo ng Seaoil at Jetti ay magiging epektibo sa alas-6 ng umaga habang sa Cleanfuel, alas-12:01 ng madaling-araw.

Inaasahan na maglalabas din ng anunsiyo ang iba pang kumpanya ng langis sa mga unang araw ng linggo.

Ayon sa monitoring ng Department of Energy hanggang Setyembre 26, ang mga pagbabago sa presyo ay resulta ng year-to-date na netong pagtaas na ₱17.30 kada litro para sa gasoline, ₱13.40 para sa diesel, at ₱9.44 para sa kerosene.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo