Bumagsak ang trust at approval rating nina PPBM at VP Sara

0
156

Ayon sa kamakailang survey ng Pulse Asia, bumaba ang trust at approval ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice-President Sara Duterte sa ikatlong quarter ng 2023.

Sa mga resulta ng survey na inilabas noong Lunes, Oktubre 2, lumabas na bumagsak ng 15% ang approval rating ni Pangulo mula sa 80% noong buwan ng Hunyo, at ito ay umabot na lamang sa 65% noong Setyembre. Sa kabilang banda, nagtala naman ng pagbaba na 11 puntos sa approval rating ni VP Sara, mula sa 84% noong Hunyo, naging 73% na lang ito noong Setyembre.

Hindi pa rin maitatanggi na sina Pangulong Marcos at VP Sara pa rin ang may pinakamataas na approval rating kumpara sa ibang mga opisyal tulad nina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.

Sa usapin naman ng trust rating, bumaba ito mula sa 85% noong Hunyo hanggang 71% noong Setyembre para kay Pangulong Marcos. Nagtala rin ng pagbaba si VP Sara mula sa 87% noong Hunyo patungo sa 75% noong Setyembre.

Sa kabila ng mga pagbaba na ito, hindi pa rin maitatanggi ang mataas na trust rating nina Pangulong Marcos at VP Sara kumpara sa ibang mga opisyal ng pamahalaan.

Isinagawa ang Pulse Asia survey mula Setyembre 10 hanggang 14, 2023, habang dinidinig ng Kongreso ang panukalang budget para sa 2024. Sa nasabing budget ay kasama ang P4.8 bilyon na inilaan para sa confidential funds at intelligence funds ng ilang ahensya ng gobyerno, kabilang ang opisina nina Marcos at Duterte, ayon sa Pulse Asia.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.