NEDA chief: Wala pang epekto ang Israel-Hamas war sa ekonomiya ng PH

0
708

METRO MANILA. Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang patuloy na digmaang militar sa Middle East ay hindi pa gaanong nakakaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas dahil ito ay may “napakaliit na koneksyon” sa parehong Israel at Palestine.

Kung ang digmaan sa pagitan ng Israel at militanteng grupo ng Hamas ay magdudulot ng epekto sa pandaigdigang suplay chain at presyo ng langis, maaaring maramdaman ito ng lokal na ekonomiya, ayon sa opisyal.

“I think the question is whether will it spread. And that’s another matter because if it gets into the supply chain, affecting global movements of trade, the effects can even be more substantial,” ayon kay Balisacan sa isang briefing sa Malakanyang noong Biyernes.

“As of this date, we don’t see a major impact in the economy… There’s hardly any impact,” dagdag pa ng opisyal.

Sinabi niya na bagaman may pagtaas sa presyo ng langis, hindi pa sigurado ang mga economic manager kung ito ay “initial reaction.”

Sa isang hiwalay na briefing, sinabi ng Department of Foreign Affairs na umabot na sa tatlo ang bilang ng mga Pilipinong namatay sa digmaan. Tatlong iba pa ang hindi pa natagpuan.

Samantala, umabot na sa 92 ang bilang ng mga Pilipinong humiling ng repatriasyon mula sa Gaza.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.