Official website ng Kongreso, ayos na matapos ang cybersecurity breach

0
131

Ipinahayag ng House of Representatives (HOR) noong Lunes na ayos na ang ang kanilang opisyal na website isang araw matapos ang insidente ng cybersecurity breach.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nagsagawa sila ng komprehensibong mga hakbang upang palakasin ang seguridad ng kanilang website at matugunan ang “pinakamataas na pamantayan ng cybersecurity.”

“We are pleased to announce that the official website of the House of Representatives is now fully restored and operational,” pahayag ni Velasco sa isang press conference.

Binanggit niya na patuloy ang imbestigasyon tungkol sa “hindi awtorisadong pag-access” sa koordinasyon ng mga kaukulang ahensyang tagapagpatupad ng batas.

“Our aim is to identify and prosecute those responsible for this breach to the fullest extent of the law,” ayon sa kanya.

Sinabi ni Velasco na nananatiling tapat ang Kongreso sa layuning palaganapin ang transparency at bukas na komunikasyon, at nagdagdag na ang digital na mga plataporma ng kamara ay “pinalakas” upang maiwasan ang mga katulad na pangyayari sa hinaharap.

“Ini-enkorahe namin ang lahat na bisitahin ang website para sa mga update at opisyal na pahayag mula sa House of Representatives. Itaguyod niyo po na ang kaligtasan at seguridad ng aming mga digital na yaman ay mananatiling pangunahing prayoridad,” saad niya.

Maari nang bisitahin ang website ng HOR sa https://www.congress.gov.ph/

Noong Linggo, ipinakita sa home page ng HOR website ang isang larawan ng meme na may kaption na “you’ve been hacked” na ini-upload ng isang tao o grupo na nagpakilalang 3musketeerz.

Sinabi ng DICT na ang insidente ng cybersecurity breach ay kinukumpirma na ng Philippine National Computer Emergency Response Team (CERT-PH).

Kapag kumpleto na ang pagsusuri ng CERT-PH, sinabi nito na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at mga law enforcement units ay magsasagawa ng “threat actor attribution at case build-up” upang iharap sa hustisya ang mga sangkot sa insidente.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.