Senado nag-iingat matapos ang sunod-sunod na cyberattack

0
159

Nagpahayag ng pag-aalala ang Senado matapos ang sunod-sunod na cyberattacks nitong nakaraang linggo, kabilang ang pag-hack sa House of Representatives.

Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., kaagad silang nag-alerto matapos malaman na na-hack ang Kamara. Siniguro ni Bantug na patuloy ang kanilang monitoring sa cybersecurity upang mapanatili ang kaligtasan ng kanilang sistema.

Ipinaliwanag ni Bantug na ang Senado ay mayroong application firewall na naglalayong protektahan ang kanilang website. Gayunpaman, ginawa pa ng kanilang technical team ang mga kinakailangang pagbabago upang mas mapabuti ang seguridad nito.

Dagdag pa niya, kamakailan ay nagkaroon sila ng mataas na bilang na cyber attack ayon sa kanilang IT team.

Naging biktima rin ng cyberattacks kamakailan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Philippine Statistics Authority (PSA), at ang pinakabagong insidente sa Kamara.

Noong isang Linggo, lumitaw ang troll face meme sa homepage ng Kamara na naglalaman ng mensahe na “You’ve been hacked. Have a nice day. Happy April Fullz kahit October palang! Fix your Website.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo