Tatlong Filipino pa ang naiipit sa Gaza

0
169

Tatlong Filipino pa ang nananatili sa Gaza, kabilang ang isang mag-ama na kasalukuyang nasa ospital matapos ang nagaganap na tensyon sa nakulong na lungsod.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, umaasa sila na mabibigyan ng pantay na proteksyon at tulong ang lahat ng residente sa Gaza, pati na rin ang kanilang mga kababayan na may ibang nasyonalidad.

Sinabi ni De Vega ng umaasa siyang makakasama ang tatlong Pinoy sa repatriation sa Egypt ngayong weekend. Ito ay bahagi ng kanilang pagsisikap na maiuwi ang mga Pilipinong nasa Gaza sa gitna ng digmaan sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, ayon sa mga datos, may 136 Filipino sa Gaza noog pumutok ang sagupaan sa pagitan ng Israel at Hamas militant kabilang ang mag-ama na kasalukuyang nasa ospital, karamihan sa kanila ay mga Filipino na may asawang Palestinian.

Kaugnay nito, hindi pa rin natatagpuan ang dalawang nawawalang Pinoy sa Israel matapos ang umatake ang Hamas noong Oktubre 7.

Ayon sa mga ulat, isa sa kanila ay babae na may Israeli passport at ang isa pa ay posibleng kabilang sa mahigit na 200 hostage ng Hamas at inaasahang mapapalaya rin sa mga susunod na pagkakataon.

Patuloy ang mga pagsisikap ng DFA upang matiyak ang kaligtasan at repatriasyon ng mga Pilipino sa gitna ng mga pangyayari sa Gaza at Israel.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo