Landslide sa Quezon: 5 ang namatay

0
212

GEN. NAKARA, Quezon. Lima ang kinumpirmadong patay matapos ang malaking landslide sa Sitio Angelo, Barangay Umiray, sa bayang ito sa lalawigan ng Quezon noong nakaraang gabi.

Ayon sa ulat ng ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) limang kabahayan ang naapektuhan ng pag guho ng lupa.

Sinabi ni Mayor Eliseo Ruzol ng General Nakar na naganap ang trahedya sa Sierra Madre mountain, sa tri-boundary ng mga bayan ng General Nakar sa Quezon, Doña Aurora Trinidad sa Bulacan at Aurora province.

Ang malakas na ulan noong Martes ang naging sanhi ng pagguho ng malaking bahagi ng bundok, ayon sa kanya.

Sa unang datos mula sa mga tauhan ng 80th Infantry Brigade ng Philippine Army, natabunan ng lupa ang limang bahay. Kasalukuyan namang isinasagawa ng mga awtoridad ang retrieval at rescue operation habang inaalam pa ang mga pangalan ng mga nasawi.

Samantala, patuloy na iniuudyok nagpapaalala ang mga awtoridad na mag ingat at maging handa sa mga ganitong kalamidad.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.