Bicol Express project tatapusin ni Pangulong Marcos

Dahil sa layuning Build Better More (BBM) sa larangan ng imprastruktura, buo ang paniniwala ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na matatapos sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proyektong muling bubuhay sa modernisasyon ng Philippine National Railways (PNR) Bicol Express.

Ito ay sa kabila ng pag-atras ng Department of Transportation (DOTr) sa plano na kunin ang pondo mula sa China para sa proyekto.

“Patunay nito ang ginanap na groundbreaking kamakailan ni Pangulong Marcos sa mga resettlement sites ng mga residente ng Laguna at Quezon na apektado ng pagpapatayo ng nasabing railway project,” ayo kay Yamsuan,

Sinabi din niya na ang pag-atras sa loan application sa China ay nakitaan ng mas mahigit na benepisyo para sa gobyerno katulad ng paghahanap ng ibang mapagkukunan ng pondo na mas cost-effective financing packages.

Ang unang yugto ng proyektong Bicol Express line ay tinatawag na South Long Haul Project, na mag-uumpisa sa Banlic, Laguna, at tatahak sa maraming lugar sa Quezon, Camarines Sur, at Albay. Ang mga riles ay magtatapos sa Daraga, Albay, at kasalukuyang ini-evaluate ang extension line sa Sorsogon.

Samantala, ang mga lokasyon ng mga resettlement sites ay matatagpuan sa San Pablo City, Laguna, at sa mga bayan ng Tiaong, Candelaria, Sariaya, at Pagbilao sa Quezon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo