Dalawang bagyo posibleng pumasok ngayong Nobyembre

0
411

May posibilidad na pumaosk ang isa o dalawang tropical cyclone sa loob ng area of responsibility ng bansa ngayong buwan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kanilang climate outlook para sa Nobyembre.

Ang mga posibleng tropical cyclones ay maaaring pangalanan ng “Kabayan” at “Liwayway.”

Ayon sa mga talaan ng PAGASA, may apat na posibleng landfall areas para sa mga bagyong ito sa Nobyembre.

Ang isang tropikal na bagyo ay maaaring mabuo sa west Pacific at pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) at posibleng umikot patungo sa hilagang-silangang bahagi ng PAR bago lumipat patungo sa Japan o Korea. Subalit, maaring hindi ito mag-landfall sa Pilipinas.

Mayroon ding posibilidad na mag-landfall ang isang bagyo sa Southern Luzon, Northern Luzon, o Central Luzon, bago bumalik sa Japan o Korea.

Maaari ring mag-landfall ang isang bagyo sa gitnang Pilipinas bago lumipat patungo sa Vietnam, o sa southern Visayas bago pumasok sa Thailand.

Inaabisuhan ng PAGASA ang publiko na maaaring lumakas ang epekto ng El Niño sa mga susunod na buwan, na magdudulot ng mas matinding tagtuyot at pag-init ng klima.

Pagsapit ng Disyembre, inaasahan ang mas mababa sa normal na pag-ulan sa kalakhang bahagi ng Luzon, samantalang ang karamihan ng Visayas at Mindanao ay magkakaroon ng “near-normal” na pag-ulan.

May 40 hanggang 45 porsiyentong posibilidad na mas mababa sa normal na pag-ulan sa karamihan ng bansa sa pagtatapos ng taon, maliban sa ilang lugar sa Luzon at Mindanao na inaasahan ang malapit sa normal na dami ng pag-ulan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo