Dalawang Pinoy na doktor, makakalabas na mula sa Gaza

0
158

RAFAH, Gaza Strip. Binuksan ng Egypt ang kanilang border para sa mga dayuhang may foreign passport na nagnanais lumikas mula sa Gaza. Kasama sa mga papayagang makatawid ang mga sugatan at mga nasa kritikal na kalagayan dahil sa patuloy na giyera sa pagitan ng Israel at ng grupo ng Hamas.

Kasama sa mga makakatawid ang ilang dayuhang kasapi ng International Humanitarian Groups, kabilang dito ang dalawang Pilipinong doktor na miyembro ng Doctors Without Borders na sina Dr. Darwin Dela Cruz at Dr. Regidor Esguerra.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, sila ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Egypt at Israel upang ilikas na rin ang mahigit sa 100,000 Pilipinong na-stranded sa Gaza.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.