Japan PM Kishida, nakipagkita kay PBBM sa Malakanyang

0
138

Kahapon, Biyernes, Nobyembre 3, dumating sa Malakanyang ang Japanese Prime Minister na si Fumio Kishida para sa isang bilateral talk kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Si Kishida ay nagtungo sa Pilipinas para sa isang state visit na tatagal hanggang ngayong araw, Nobyembre 4.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pag-uusapan nina Marcos at Kishida ang mga isyu kaugnay ng West Philippine Sea at ang Official Development Assistance (ODA) mula sa Japan sa kanilang pagpupulong.

Sa kanilang pagkikita, magpapalitan ng mga pananaw ang dalawang lider hinggil sa mga isyu sa regional, international, at sa United Nations na may malawakang epekto sa rehiyon at sa buong mundo.

Bago pumunta sa Palasyo, naghandog ng bulalak si Kishida sa monumento ni Rizal bilang pagkilala sa kasaysayan ng Pilipinas.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo