Misis ni Jumalon: Lupa at negosyo, posibleng motibo sa pagpatay

0
219

Naglabas ng posibilidad na away sa lupa at negosyo ang motibo sa pagpatay kay Juan Jumalon o mas kilala bilang DJ Johnny Walker, isang radioman.

Ayon kay Cherebel, asawa ng biktima, ito ang kanyang hinala matapos ang trahedyang kumitil sa buhay ng kanyang asawa noong Linggo ng umaga habang ito ay nagsasagawa ng brodkast sa kanilang tahanan sa Calamba, Misamis Occidental.

Nagbigay pahayag si Cherebel na bago ang krimen, nanalo ang kanyang asawa sa dalawang kaso sa korte. Una, nauugnay ito sa lupa kung saan nakatayo ang kanilang bahay at ang radyo istasyon na 94.7 Calamba Gold FM Radio.

Kinampihan sila ng korte sa kanilang kaso kaugnay ng falsification of public document laban sa mga nagnanais kumamkam ng lupa na kinatitirikan ng kanilang bahaysa Barangay Don Bernardo A. Neri, ayon sa kanya.

Ang pangalawang kaso ay nauugnay sa pagkakaroon ng nabanggit na radyo istasyon sa Calamba. May alegasyon na hindi matanggap ng kanilang mga nakaaway ang pagkakaroon ng radyo istasyon sa kanilang lugar.

Ayon kay Cherebel, ang programa ng kanyang asawa ay tungkol lamang sa pampublikong serbisyo at entertainment, at hindi ito kailanman naglalaman ng anumang pambabatikos sa kahit na sinong indibidwal.

Saad niya, malabong may kinalaman ang trabaho ng kanyang asawa sa krimen, lalo pa’t marami itong kaibigan kahit sa kabila ng kanyang kapansanan. Si Juan ay may polio at gumagamit ng saklay.

Naglabas na ang pulisya ng composite sketch ng isa sa mga suspek sa krimen. Ang mga suspek ay nagpanggap na may ipapa-broadcast upang makapasok sa bahay ni Juan.

Bukod dito, naglaan ng P100,000 na pabuya para sa sinumang makapagbigay ng impormasyon hinggil sa pagpatay sa brodkaster.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo