Validity ng driver’s licenses na mage-expire simula Nobyembre 2023, extended hanggang Abril 2024

0
180

Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) nitong Huwebes na ang bisa ng mga driver’s licenses na mag-e-expire simula Nobyembre 2023 ay pahahabain hanggang Abril 2 sa susunod na taon.

Ang schedule para sa pag-renew ng driver’s licenses na mag-e-expire sa April 1 hanggang 30 ay hindi dapat llumampas ng Nobyembre 6. ngayong taon, habang ang mga mag-e-expire sa May 1 hanggang 31 ay hindi dapat lumampas sa Nobyembre 30, at ang mga mag-e-expire sa June 1-30 ay hindi dapat lumampas sa Disyembre 31, 2023.

Ayon sa LTO, may kaakibat na parusa para sa mga driver na hindi magre-renew ng kanilang mga lisensiya. Idinagdag pa ng LTO na ang lahat ng available na supply ng driver’s license card ay eksklusibo nang gagamitin para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs)/foreign driver’s license conversion, diplomats, at backlogs para sa taong ito.

“Walang bulk printing ng backlogs,” sabi ng LTO, ang pag-print ng lisensiyang plastik ay maaaring lamang gawin sa opisina ng LTO kung saan ito inire-renew.

“Hanggang Hunyo na backlog na lamang ang mabibigyan ng plastic card,” sabi ng LTO sa isa pang pahayag nitong Huwebes. “Ito’y kaugnay ng pagpapalabas ng Writ of Preliminary Injunction sa supply ng driver’s license cards.”

“Sa totoo lang nabusan na tayo ng card dahil sa injunction, diba?,” sabi ni LTO Chief Asst. Secretary Vigor Mendoza II sa mga reporter. “Ngayon kasi, pag nag-apply ka ng card, kung ikaw expiring November, pwede namin bigyan ka ng card for November, no. But we will stop that, hindi na natin kakayanin.”

“So yung April backlog, they were given until the end of October to get the cards,” dagdag niya. “So itong November, we will cater to May, and then December, we will cater to June. So we will make that formal announcement. We’re just getting the final numbers but because of the day-to-day consumption, hindi na natin make-cater.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo