Nagkaayos sina Revilla at Nebrija matapos ang kontrobersiya sa EDSA busway

0
202

Nagkasundo na sina Senador Ramon Bong Revilla Jr. at MMDA Task Force Special Operations Chief Edison Bong Nebrija matapos tukuyin ng MMDA ang senador na diumano ay lumabag sa pagdaan sa EDSA Busway.

Kasama si MMDA Chairperson Romando Artes, dumulog si Nebrija sa Senado upang magbigay paliwanag at personal na humingi ng paumanhin kay Senador Revilla. Bagaman at may galit sa simula, unti-unti nang bumaba ang tensyon habang inaayos ang pangyayari. Naunawaan naman ni Revilla na hindi na-verify ang totoong gumamit ng kanyang pangalan sa convoy na naipit sa EDSA Busway.

Inamin ni Nebrija ang kanyang pagkukulang sa insidente. Bilang parusa, sinuspindi si Nebrija ng 15 araw hanggang isang buwan habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Umamin si Artes na may mga paglabag din ang MMDA, tulad ng paglabas ng pangalan ng senador na hindi verified, pagbibigay daan sa sasakyan na dumaan sa busway kahit bawal, at ang hindi pag-iisyu ng tiket sa mga lumabag.

Sa huli, humupa ang galit ni Revilla at tinanggap ang paghingi ng paumanhin ni Nebrija. Nagkamayan ang dalawa, at sa pahayag ni Revilla, hindi na niya plano na bawiin ang budget ng MMDA para sa 2024, dahil sa kanyang pananaw, hindi kasalanan ng buong institusyon ang nangyaring pagkakamali.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.