DA: Suspek na onion smuggler, nahuli sa Batangas

0
269

BATANGAS CITY. Naaresto ng mga elemento ng pulisya ang isang bigtime onion smuggler sa Batangas na kilala bilang si Jayson de Roxas Taculog, ayon sa ulat ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr.

Naglabas ang Manila Regional Trial Court ng arrest warrant kaugnay ng paglabag ni Taculog sa Republic Act 10845, na kilala rin bilang ang batas na nagdedeklara ng large-scale agricultural smuggling na itinuturing na economic sabotage.

Ang suspek na si Taculog ay nasakote dahil sa paggamit ng pekeng import permits o shipping documents. Bukod sa hindi pagtupad sa tamang buwis at duties. Kinasuhan din siya ng misclassification, undervaluation, o misdeclaration ng import entry at revenue declaration na isinumite sa Bureau of Customs.

Nakakumpiska ang DA, Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Customs (BOC) ng mga illegal na imported agricultural goods na nagkakahalaga ng P78.9 milyon. Ito ay nakuha mula sa Taculog J International Consumer Goods Trading sa magkakahiwalay na operasyon sa Manila International Container Port (MICP) mula Disyembre 2022 hanggang Enero 2023.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.