Marcos at Xi, nag-usap hinggil sa WPS issues

0
171

SAN FRANCISCO, California. Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagkaroon sila ng unawaan ni Chinese President Xi Jinping na ang mga isyu sa teritoryo sa South China Sea ay hindi dapat makaapekto sa ugnayan ng kanilang bansa.

“We were in agreement that the problems that we have in South China Sea with China should not be the defining element of our relationship,” ayon kay Marcos sa isang Kapihan sa Media kahapon Sabado (oras ng Pilipinas).

Sinabi ni Marcos na nagpahayag siya ng intensyon na makipagpulong kay Xi sa sidelines ng 2023 APEC Summit.

“We try to come up with the mechanisms to lower the tensions in the South China Sea and that’s essentially the message of what we spoke of to each other,” ayon kay Marcos.

Ibinalita ng pangulo na tinalakay nila ni Xi ang pagbaba ng tensyon sa West Philippine Sea, gaya ng insidente ng pagbangga sa sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Bagamat marami ng diplomatic protests ang isinampa ng gobyernong Pilipino laban sa agresyon ng China, patuloy itong nagpapakita ng pagsuway sa arbitral ruling na nagtatakda sa malawakang claim sa lugar.

Sa kanyang state visit sa Washington noong Mayo, ipinahayag ni Marcos na itutuloy ng Pilipinas ang pagbabalanse ng kanilang relasyon sa China habang ipinagtatanggol ang kanilang soberanya.

Sa question-and-answer session sa Center for Strategic and International Studies (CSIS), tinanong si Marcos kung paano mapanatili ng Manila ang maayos na ugnayan sa Beijing habang ipinagtatanggol ang kanilang soberanya sa gitna ng patuloy na harassment sa South China Sea.

Ang sagot ni Marcos, “Well, in the same way that we maintain our relationship with the US, we constantly consult with our allies and partners. We constantly keep our lines of communications open.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo