DOH, naka-alerto sa outbreak ng respiratory illness sa China

0
138

Binigyang pansin ang Department of Health (DOH) ang ulat ng pagtaas ng respiratory illnesses, kasama na ang mga clusters ng pneumonia sa mga bata sa China.

Ayon kay DOH Secretary Teodoro Herbosa, maaaring maging sanhi ng pag-akyat ng respiratory illness sa Beijing ang nagdaang cold snap.

Iniulat ni Secretary Herbosa na binabantayan ng DOH ang sitwasyon dahil naka-monitor din ang World Health Organization (WHO) sa China. “Babantayan din natin ‘yan. Katulad ng anumang outbreak o clustering – tinatawag na clustering kapag may kahalintulad na kaso sa isang lugar – maaaring ito ang simula ng isang bagay o maaaring hindi. Pwedeng ito’y karaniwang sipon o flu lang,” sabi ng kalihim.

Umaasa si Herbosa na ito ay regular na panahon ng trangkaso at hindi ang pag-usbong ng bagong nakakahawang sakit. Sa isang pahayag, iniulat ng DOH, sa pamamagitan ng Epidemiology Bureau nito, na nakikipag-ugnayan na sila sa International Health Regulations (IHR) National Focal Point ng China upang humingi ng karagdagang impormasyon ukol dito.

Sa loob ng bansa, iniulat ni Herbosa na patuloy na binabantayan ng Epidemiology Bureau ang mga influenza-like illnesses. Samantalang, nanawagan ang World Health Organization sa Tsina na magbigay ng mas maraming datos ukol sa respiratory illness na kumakalat sa hilaga ng bansa, at hinihikayat ang mga awtoridad sa Tsina na gumawa ng mga hakbang upang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng impeksyon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo