OCTA: Positivity rate ng COVID sa NCR tumaas na sa 10%, posibleng tumaas pa

0
136

Kinumpirma ng OCTA Research nitong Miyerkules, Disyembre 6, na umabot na sa 10% ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), kumpara sa 7% noong nakaraang linggo.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang kasalukuyang positivity rate ay katulad din ng nangyaring surge ng COVID-19 infections sa nakalipas na mga buwan, maliban sa oras na nagkaroon ng mataas na surge ang Omicron variant.

“Nakakapagtaka pero hindi naman siguro nakakagulat,” ayon kay Dr. David sa isang panayam sa TeleRadyo Serbisyo. Ipinunto niya na maaaring ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay dulot ng kakulangan sa mga testing centers para sa COVID-19.

‘Yung COVID-19 cases natin most likely underreported…Most likely 10 times ‘yung bilang,” dagdag pa ni David. Nagbabala rin siya na posibleng umakyat pa ang positivity rate sa 15% sa mga susunod na buwan.

“Hindi pa ito todo, tataas pa ito…Huwag naman sana siya umabot ng 20 percent,” dagdag pa niya.

Sa ngayon, iniimbestigahan ng Department of Health (DOH) kung ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ay dahil sa bagong COVID variant of interest na unang iniulat ng World Health Organization.

Muling ipinaalala ni Dr. David ang kahalagahan ng masusing pag-iingat at pagsunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Inaasahan ang mahalagang koordinasyon ng publiko at ng mga awtoridad sa kalusugan upang mapigilan ang higit pang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR at sa buong bansa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo